Friday, October 21, 2011

MALAYA NA DIN AKO

laking tuwa ko ng aki'y makamit ang kalayaan na aking hinahangad.
hindi dahil gusto ko ng walang rason, kundi KAILANGAN upang wala ng masaktan pa.
kailangang palayain ang pusong nahihirapan at nasasaktan..
upang ito'y makabangon pa muli sa mga susunod pang sakit.

hindi mo malalaman at maiisip kung anong meron ka hanggat hindi ito nawawala sayo.
hindi mo rin malalaman na may nasasaktan ka na hanggat di ito umaaksyon..


SALAMAT SA KALAYAAN.

MALAYA KA NA

by Lani Misalucha


Oh ah ah ah 
Oooohh ohh, ah ah 

Di ko na makakayang 
Mag sa walang kibo na lamang 
Di ko na magagawang maglihim pa sa iyo 

At kung ina-asaahan mong 
Magbabalik pa ang puso ko sayo 
Matapos mong saktan at malinlang 

Dapat sana'y hawak ang 'yong kamay 
Kung nag-isip ka lang, hindi na masasaktan 
Ang isa't isa 

Chorus 
Malaya ka na, magagawa mo na 
Ang lahat ng gusto mo 
Kahit masaktan man ako 
Malaya ka na, wag ka nang umasa pang 
Magbabalik ako, lilimutin ka't, 
Hindi mabibigo 

Ang tanging kong hangad sa'yo 
Maging tapat ka sa damdamin mo sa kung 
Sino mang magmamahal sa iyo 
Dapat lamang, limutin na kita 
Kung nag-isip ka lang 
Hindi na masasaktan ang isat-isa 

Chorus 
Malaya ka na, magagawa mo na 
Ang lahat ng gusto mo 
Kahit masaktan man ako 
Malaya ka na, wag ka nang umasa pa 
Magbabalik ako, lilimutin ka't, 
Hindi mabibigo 

Bridge 

Oh oh oh 
Kung ika'y nagbago na't, nag-iisa 
Sana ang puso ko'y 
Malaya pa, at kung 'di na 
At mayroon ng may-ari na ng puso ko 
Di mo masisisi ako, Ohhhh oh oh 

Chorus 
Malaya ka na, magagawa mo na 
Ang lahat ng gusto mo 
Kahit masaktan man ako 
Malaya ka na, wag ka nang umasa pa 
Magbabalik ako, lilimutin ka't, 
Hindi mabibigo 

Ang lahat ng gusto mo 
Kahit masaktan man ako 
Malaya ka na, wag ka nang umasa pa 
Magbabalik ako, lilimutin ka't, 
Hindi mabibigo... oohhh 
Mmmh mmmhh 

Malaya ka na

BADTRIP

anong maganda sa umaga kung ang sasalubong sayo ay HOY!?
PAKYU BITCH!

**hindi ko naman sinabing samahan niyo ko hanggang matapos yung palabas, hindi ko rin kayo pinilit na manuod. Di na lang sana kayo nagpunta at nanonood kung magbeberat lang din kayo na "umuwi" agad. kahit di naman sa bahay ang uuwian.

**ang sabi ko SUSUBUKAN kong pumunta KUNG maaga kaming matatapos.. Kakaumpisa palang, tadtad na ko sa text na "asan ka na?".. "punta ka na.."

** kahit na alam mo sa sarili mo na wala akang ginagawang masama.. ehh sa mata ng ibang tao, ganun rin ba? Eh may naikwento na sayo.. magiisip ka nga ba o hindi!?  Anu bang iisipin nila pag nagdala ka ng ibang babae sa bahay mo, samantalang alam nilang may partner ka? ang pangit din yatang tignan kung ung sarili mong partner hindi ka madalaw sa bahay noong panahon na may sakit ka, nakakahiya naman kasi doon sa dumalaw sayo at nagdala pa ng pagkain. NAHIYA NAMAN YUNG PAGKATAO KO.

** hindi ako ung taong naninira ng relasyon, at lalo na ng pagkakaibigan, kaya kung maaari. AKO na lang ang lalayo.. ang babaw KO daw ehh.. ako na talaga! :)

** alam mo din na may partner ka, hindi ka na lng nahiya kung sinu-sinu pa ineentertain mo. AYDUNA!
I LOVE YOU, I LOVE YOU TOO, I MISS YOU, I MISS YOU TOO, DI KA NA NAGTETEXT..
---namputcha! yun pala yung wala ng tinetext na iba.. kaya ayaw magpalit ng number.. hahahaha AKO NA LNG SIGE!

** pag ibang tao nakikisuyo GO, pero pag yung partner kadaming satsat, MYGUDNESS!!!

** kahit sinu namang babae hindi matutuwa kung sinasaktan sila nung boypren nila ehh.. BOYPREN LANG YUN AHH!!

**nakakasawa na rin ug paulit-ulit na HINDI KO NA GAGAWIN, pero ginagawa parin.. HINDI NAMANA TALGA AKO GANITO, pero ganun ung ginagawa..

** IMMATURE!!!!! premature lang ako nung bata ko..paaaakkk!

** ayaw ko din sa nagbubulag-bulagan.. lalo na sa nagtatanga-tangahan.. kunwari walang alam.. NAKAKA-PUTANG INA lang..

** lumugar kayo! kayo rin sumisira sa mga imahe niyo.. tapos magtataka kayo nachichismiss kayo.. LAUGHTRIP? :))))


--------------
KAYA LAGI NAGAAWAY, DAHIL WALANG NAGBABAGO.. LAHAT NG AYAW, GINAGAWA.. TAPOS MAGTATAKA BAT AWAY NA NAMAN. NAKAKASAWA MUCH!


FUCK YOU VERY MUCH! FUCK WHOEVER YOU WANT! FUCK MY LIFE!

SAGING LANG ANG MAY PUSO

aaminin ko naman sa sarili ko na magmula ng sinira niya tiwala ko sa kanya, HINDI KO NA NAIBALIK! :| PAKYU LANG EH!

Ganito ako, kaya tanggapin mo kung papaano mo ko nakilala. ..l.. Wag mo kong babaguhin dahil hindi talaga ako magbabago para kahit kanino.

Ako yung tipo ng tao na mahilig makipag-bonding sa mga kamag-anak, lalo na sa mga pamangkin at mga kapatid ko. At sa lalong lalo na sa mga kaibigan ko, lalo na sa mga ganitong panahon na SEMBREAK! Sa mga ganitong panahon lang din ko nagagawa yung mga bagay bagay na mahal kong gawin, gaya ng PAGSAYAW, PAGKANTA, PAGTAMBAY SA BAHAY-BAHAY, PAG-TULOG NG WAGAS, AT SA PAGKATAMAD MAGTEXT..

Nung high school pa lamang ako, nagkaroon na ko ng mga boypren.. pare-pareho sila na hindi ako maintindihan sa mga sining na gusto ko, na pakiramdam nila na wala akong panahon para sa kanila. Hindi ko naman hiniling sa kanila na mahalin nila yung ginagawa ko, RESPETO at PAGUNAWA lang inaasahan ko sa kanila. pero PARE-PAREHO sila na ng nirarason na BUSY ako at walang panahon sa kanila.

Magmula noon nagtanda na ako, HINDI AKO MAGMAMAHAL NG TAO NA HINDI UUNAWA SA MGA GINAGAWA KO.. mas lalong AYAW kong may kahati sa lahat ng bagay na meron ako..

Friday, September 16, 2011

TIWALA

Nasubukan mo na bang magtiwala? May kilala ka ba na nagtitiwala sa'yo? Para sa'yo ba'y madali lang magtiwala? Nasiraan ka na ba ng tiwala sa isang tao?

Ang tiwala ay nararapat lamang na praktisado at isinasabuhay sa lahat ng grupo ng mga tao, mapa-pamilya man ito, samahan ng pagkakaibigan, sa trabaho, sa iskwelahan, sa kumunidad, at sa popular na relasyon ng mga taong nagmamahalan.

Ang tiwala ay hindi basta basta naibibigay o natatanggap sa isang tao. Ito raw ay pinaghihirapan at pinagtatrabahuan. Hindi rin ito naibibigay sa kung sino lamang. Ito ay maaaring matanggap sa taong tunay na naniniwala sa mga kapasidad o kakayahan mo, sa taong napahanga mo, sa taong ginawan mo ng kabutihan, at lalong lalo na sa taong pinahahalagahan mong tunay.

Kapag ika'y nabigyan ng pagkakataon na pagkatiwalaan ng isang tao, tanawin mo itong utang na loob, sapagkat hindi ito naibibigay sa lahat ng tao. Pakatandaan lamang na huwag na huwag itong sayangin, dahil kahit sa isang pagkakamali lamang, maaring mawala ito sa'yo at depende pa ito sa kung anumang kasalanan ang iyong magagawa.

Sa aking karanasan, hindi ako yung tipo ng tao na kaagad nagpapakita ng tiwala sa isang tao. Sila'y dumadaan sa maraming pagsubok na ang tanging nakakaalam lamang ay ang sarili ko. At kapag napatunayan ko o naipakita nila na sila ay karapatdapat sa aking pagtitiwala, malalaman at malalaman rin nila ito. Ngunit sa mga pagkakataon na nagbigay ka ng tiwala, hindi lahat sinisiryoso ito. May mga taong pinagsamantalahan ang aking kabutihan na ipininakita ko sa kanila. Hindi ako nagpaparaya sa kung mga anumalyang nakikita ko sa aking kapaligiran kaya't ito'y aking ipinangangaral sa aking mga kaibigan. Sa pangangaral na ito, meron mga sumunod at meron din namang mga nakinig na lumabas rin sa kabilang tenga.

Nagkataon, maling mga tao ang pinagkatiwalaan ko. :| ang pinakamamahal ko at ang mga tinuring kong kaibigan sa kolehiyo.

Wednesday, August 31, 2011

PAGKAKAIBIGANG WALANG KAPANTAY

Sa buhay,maraming taong dumadating at umaalis. Ung iba nagiiwan ng alaala at yung iba naman parang walang nagdaan. May mga tao rin na gagamitin ka at sisiraan na tila para bang hindi ka naging kaibigan. Meron din namang mga tao na akala mo anjan lagi para sayo ngunit sa isang iglap ng impluwensya ng iba sadyang biglang maglalaho na parang kabuti na hindi nauulanan. Meron din namang tapat at hindi nangiiwan sa ere kahit anu pa mang sakuha o trahedya ang dumating.

Sa buhay ko, sinwerte ako na may dumating at nakilalang lubusan na matatalik na kaibigan. Ngunit hindi lahat tumutupad sa binibitawang salita na "andito lang ako lagi para sa'yo". Sa dinadami ng tao na kinaibigan ko, itong dalwang tao na ito ang nanatiling tapat at totoo sa pagkakaibigang inalok ko.



Ito ang matalik kong kaibigan na si Sharmaine Antonio Dela Cruz na kilala sa pangalang Kitty dahil sa hilig sa Hello Kitty.

Nagkakilala kami sa isang pribadong kolehiyo sa Tarlac nung ako'y lumipat ng paaralan mula pa sa Maynila. Sa lahat ng mag-aaral hindi pwedeng hindi mo mapansin ang taong ito dahil sa mga gamit, porselas, tingga at kung anu-anu pang palamuti na kulay pink sa katawan at kasootan nya. Nang maging kaibigan ko siya, wala na siyang ibang narinig kundi pambabatikos at pangagaral mula sa'kin :)) Tinuruan ko siya sa kung ano-anong bagay, at ipinakilala ko sa kanya ang iba pang mga kulay (yey! it rhymes, haha) Hindi madali ang pinagdaanan ng taong ito sa iskwelahan na iyon. Maaring makita niyo syang masayahin at walang problema na palakad-lakad sa pasilyo ng iskwelahan ngunit sa taong nakakaramdam at sintulad ang pinagdadaanan, alam kung anong kasinungalingan ang pinapakita ng matatamis na ngiti nito.

Naranasan na niyang mawalan ng tiwala sa mga tao sa paligid niyang malaman niyang ang mismong matalik nyang kaibigan ay pinagkanulo siya na halos napayukayok na lamang siya sa hiya. Ngunit hindi siya nagpadala rito. Tumayo siya sa sarili niyang paa, lumaban, at nilinis ang pangalan. Namili ng tamang kaibigan at nagtiwala sa iilan lamang. Dito pumapasok ang kasabihang "tell me who your friends are, and i'll tell you who you are."  Datapwat isa siyang kapatid ng Inglesia ni Kristo, hindi ito naging hadlang upang ituring siyang parang kapatid ko na rin bilang isang Katoliko. Sa dalawang taon na nakasama ko siya, sabay kaming nangarap at nagtapos ng pag-aaral sa parehong kurso. Nalungkot kami na baka yun na ang huli naming pagkikita noong kami'y grumaduate. Ngunit hindi doon nagtatapos ang istorya namin. Habang dumadaan ang panahon, dumadating kami sa punto na hinahanap-ahanp namin ang isa't-isa lalo na sa mga dumadating na problema ng mga buhay namin. At sa gabing ito,laking gulat ko na lng nang bigla magparamdam si Kitty sa'kin at nagbitaw ng makapagdamdaming salita..


  •     "tieng? namimiss na kita wala akong makausap namatino.."
  •     "tieng, thank you ha?yaan mo babawi ako hindi man sa material na bagay o kung anu pa man, basta andito lang ako lagi para sayo.. friend mo ko forever.."
  •     "alam mo ba ikaw lang yung friend ko na babae na tumagal na nakasundo ko more than friends pa, para na tayong magkapatid.. ung iba kasi tinatalo ako, naninira, plastik, ganun. pero ikaw, kahit minsan nagkaroon tayo ng tampuhan, dumaan lang at nagkaayos din."
  •     "ih tieng pinaiyak mo naman ako ng sobra dun.. diko tuloy alam sasabihin ko..ayoko man magpramis na di kita iiwan pero ang sakin lang wala akong makitang rason para iwan ka.. siguro kahit may apo ka na andito parin ako talaga para sayo.."

Ang tanging pangaral ko sa kanya at siyang isinaulo nya ay "hindi tatahol ang isang aso, kung kilala nya yung tao". :) Mahal na mahal ko ang taong ito hindi dahil lagi niya ko nililibre ng pagkaen, binibilan ng kung anu-anu, kundi dahil napatunayan ko na tapat siya, mapagkakatiwalaan, at alam kong hindi niya ko iiwan. :)




___________________________________
to be continued....zzzzzzzzzz

Wednesday, July 13, 2011

BUNSONG KAPATID

Ako'y may tatlong kapatid na babae, at nagkataon na ako'y mas malapit sa aking bunsong kapatid. Aaminin ko hindi ako yung tipong kapatid na maaruga, maalaga, at maaalahanin (on a daily basis). Ang sabi nga nila, sa aming apat na magkakapatid, natatanging ako lamang ang nakaka-kausap sa kanilang tatlo, na ako lang ang nakaka-kilala sa mga kapatid ko. Hindi ko itatanggi dahil pawang katotohanan naman yon.

Ang aming panganay, ay isang Doctor. Matalino, Masipag, Marunong humawak ng pera, Pamilyado at Maparaan sa Buhay. Nag pre-med sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at ipinagpatuloy ang Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Siya ay kukuha ng board exams sa dadating na Agosto ngayong taon.

Ang pangalawa naman ay isang Journalist. Nagtapos rin sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Journalism at nakapag-trabaho sa ABS-CBN bilang Segment Producer at Video Resercher.

Nung ako'y nagaaral pa sa High School, may mga panahon na nakausap ko ng masinsinan ang mga ate kong yan. Hindi man sabay, pero dahil doon, nakilala kong tunay ang aking  mga ate. Kahit na madalas nila akong pinapaglitan at inaaway, nauunawaan ko naman dahil ako lang ang nakababatang kapatid nila noon. At pawang mag bestfriends ang mga ate ko noon. Ngunit ngayon, iba na. Nagkaroon kami ng isa pang kapatid na sumunod sa akin.

Naramdaman kong maapi ng aking mga ate, at naramdaman ko din na mangapi ng mas nakakabata sakin. Matagal ko na rin naisip na, hindi ko dapat ipinaparamdam sa bunso kong kapatid ang mga marahas na karanasan ko sa mga ate ko noon dahil kung tutuusin, ako na lang ang maaasahan niya ngayon. Ako na lang yung ate na malalapitan nya agad, na walang takot. Kahit na madalas ko siyang inaaway, sinisigawan, pinapagalitan, hindi parin lumalayo ang loob nya sakin.

Ang bunso kong kapatid ay Fourth Year High School na sa College of the Holy Spirit. Madalas siyang pinatasan na wirdo sa iskwelahan dahil sa kanyang pananamit, mga kilos, pagsasalita, sa pagguhit at pagsusulat. Medyo childish parin sya hanggang ngayon, at tinatrato parin syang baby ng aming ina.Noon akala rin naman may problema siya sa utak, yon pala, siya ay may taglay na kaisipan na hindi lahat ng tao meron. Artista ang kapatid kong ito. Nakikita nya ang mga bagay bagay sa ibang perspective. Ako'y namamangha sa kanyang mga likha tulad ng pagsusulat ng mga storya tungkol sa patayan, buhay puso at pagkakaibigan. Sa kanyang pagguhit ng comics at ng mga hayop na mukhang pokemon. Matalino ang kapatid kong ito, hindi lang masyado pinatutunang pansin ang kanyang pagaaral dahil nga sa hilig nya sa sining. Umaawit rin pala siya, nung nasa ikalawang baitang pa lamang sya, ay nanalo na sya ng 1st place sa Singing Contest sa school, at magmula noon pinagpatuloy na nya nag pagawit, ngunit dumating ang panahon na nawala na ang hilig nya sa pagkanta. Sa ngayon, ang pagsusulat at pagguhitang kanyang pinagkakaabalahan.

Sisterly love at LU Live, World Trade Center
Kaninang hapon nang siya'y makauwi mula skwelahan, narinig ko na lamang na siya humahagulgol sa kuwarto. Nilapitan ko at tinanung kung anung nangyari. Yun pala, siya ay inaapi na naman sa skwelahan. To cut the story short, sa tagal ng panahon na siya'y nag-aaral, hindi parin maintindihan ng mga tao sa paligid nya kung anung klaseng pagiisip meron sya. Wirdo parin ang turing sa kanya. Aamini ko, nung ako'y nasa high school, dumating din ako sa punto na gusto ko na lumipat ng paaralan nang ako'y pagtulungan ng aking mga kamag-aral. Ang tanging nasabi ko na lang sa kapatid ko, 'wag na lang niya silang patulan lalo na kung wala naman siyang ginagawang masama/mali at kung siya naman yung tama. Isang taon na lang niya sila makakasama at matatapos na rin ito lahat. Sa ganitong panahon, dito nya makikita at malalaman kung sinu sinu talaga ang kanyang mga tunay na kaibigan na hindi siya iiwan sa ere. :)


Inaaway man kita at tinatawag na Arabo (hahahaha), tandaan mo Kang, MAHAL NA MAHAL KITA. Don't hesitate to seek help from me, because im always here for you, all the way :) wag mo din kakalimutan na may 3 kang ate, hindi lang ako, andito kami lahat para sa'yo. Ikaw ang bunso ng buong pamilya eh, magiiwanan pa ba tayo? :)

Tuesday, July 12, 2011

JEEP

ONLY IN THE PHILIPPINES :)

bakit kaya ganon? sa tuwing sasakay ako ng jeep, hindi ko matanggal na pansinin lahat ng sasakay, lahat ng nakasakay, yung bababa, papara, kumakain, nagdadaldalan, yung nauuntog pagsakay, etc.

Unang una kong pinapansin yung paa ng mga nakasakay, yun suot na sapatos, yung pedicure, yung features ng paa, saka ko titignan yung mukha o itchura nung tao. Dahil para sa akin, sa paa mo makikita kung anu ugali, anong estado nung tao at kung paano ito lumaki :))

May mga jeep na laging puno, at meron din naman halos walang nakasakay. Madalas ako makasakay sa puno. At ito rin ang madalas kong maranasan sa tuwing ako'y nagcocommute. Alam mo yung feeling, masikip na nga, okaya naman, may espasyo pa ngunit pang isa o dalwang tao na lng ang maaaring umupo. Tapos ung nakapwesto pa sa lugar na yon eh yung tipong, naka SIDE VIEW! yung parang ayaw magpaupo, ayaw may katabi. Tapos pag may bagong sakay, imbes na umayos ng upo, uusog lng ng konti tipong walang pakiramdam sa katabi na "hoyy ate nagbabayad din ako ng pamasahe kaya umayos ka!". Tapos makikita mo yung reaction sa mga mukha ng nakasakay na 1. nagagalit 2. naiinis 3.gustong pagsalitaan ung ale/mama 4.gustong pagsabihan na "umusog ka dahil nahihirapan ung katabi mo.. ehh sinu nga naman ba tayo?

sana naman kahit sa jeep man lang, may etiquette parin tayong mga PILIPINO. wag makasarili. sana marunong tayo umintindi sa kahit anu mang sitwasyon na papasukin natin. kaya hindi tayo umuunlad eh. MAGTULUNGAN NAMAN TAYO c:



--isa rin akong Commuter!:)