Friday, September 16, 2011

TIWALA

Nasubukan mo na bang magtiwala? May kilala ka ba na nagtitiwala sa'yo? Para sa'yo ba'y madali lang magtiwala? Nasiraan ka na ba ng tiwala sa isang tao?

Ang tiwala ay nararapat lamang na praktisado at isinasabuhay sa lahat ng grupo ng mga tao, mapa-pamilya man ito, samahan ng pagkakaibigan, sa trabaho, sa iskwelahan, sa kumunidad, at sa popular na relasyon ng mga taong nagmamahalan.

Ang tiwala ay hindi basta basta naibibigay o natatanggap sa isang tao. Ito raw ay pinaghihirapan at pinagtatrabahuan. Hindi rin ito naibibigay sa kung sino lamang. Ito ay maaaring matanggap sa taong tunay na naniniwala sa mga kapasidad o kakayahan mo, sa taong napahanga mo, sa taong ginawan mo ng kabutihan, at lalong lalo na sa taong pinahahalagahan mong tunay.

Kapag ika'y nabigyan ng pagkakataon na pagkatiwalaan ng isang tao, tanawin mo itong utang na loob, sapagkat hindi ito naibibigay sa lahat ng tao. Pakatandaan lamang na huwag na huwag itong sayangin, dahil kahit sa isang pagkakamali lamang, maaring mawala ito sa'yo at depende pa ito sa kung anumang kasalanan ang iyong magagawa.

Sa aking karanasan, hindi ako yung tipo ng tao na kaagad nagpapakita ng tiwala sa isang tao. Sila'y dumadaan sa maraming pagsubok na ang tanging nakakaalam lamang ay ang sarili ko. At kapag napatunayan ko o naipakita nila na sila ay karapatdapat sa aking pagtitiwala, malalaman at malalaman rin nila ito. Ngunit sa mga pagkakataon na nagbigay ka ng tiwala, hindi lahat sinisiryoso ito. May mga taong pinagsamantalahan ang aking kabutihan na ipininakita ko sa kanila. Hindi ako nagpaparaya sa kung mga anumalyang nakikita ko sa aking kapaligiran kaya't ito'y aking ipinangangaral sa aking mga kaibigan. Sa pangangaral na ito, meron mga sumunod at meron din namang mga nakinig na lumabas rin sa kabilang tenga.

Nagkataon, maling mga tao ang pinagkatiwalaan ko. :| ang pinakamamahal ko at ang mga tinuring kong kaibigan sa kolehiyo.

No comments:

Post a Comment