Wednesday, August 31, 2011

PAGKAKAIBIGANG WALANG KAPANTAY

Sa buhay,maraming taong dumadating at umaalis. Ung iba nagiiwan ng alaala at yung iba naman parang walang nagdaan. May mga tao rin na gagamitin ka at sisiraan na tila para bang hindi ka naging kaibigan. Meron din namang mga tao na akala mo anjan lagi para sayo ngunit sa isang iglap ng impluwensya ng iba sadyang biglang maglalaho na parang kabuti na hindi nauulanan. Meron din namang tapat at hindi nangiiwan sa ere kahit anu pa mang sakuha o trahedya ang dumating.

Sa buhay ko, sinwerte ako na may dumating at nakilalang lubusan na matatalik na kaibigan. Ngunit hindi lahat tumutupad sa binibitawang salita na "andito lang ako lagi para sa'yo". Sa dinadami ng tao na kinaibigan ko, itong dalwang tao na ito ang nanatiling tapat at totoo sa pagkakaibigang inalok ko.



Ito ang matalik kong kaibigan na si Sharmaine Antonio Dela Cruz na kilala sa pangalang Kitty dahil sa hilig sa Hello Kitty.

Nagkakilala kami sa isang pribadong kolehiyo sa Tarlac nung ako'y lumipat ng paaralan mula pa sa Maynila. Sa lahat ng mag-aaral hindi pwedeng hindi mo mapansin ang taong ito dahil sa mga gamit, porselas, tingga at kung anu-anu pang palamuti na kulay pink sa katawan at kasootan nya. Nang maging kaibigan ko siya, wala na siyang ibang narinig kundi pambabatikos at pangagaral mula sa'kin :)) Tinuruan ko siya sa kung ano-anong bagay, at ipinakilala ko sa kanya ang iba pang mga kulay (yey! it rhymes, haha) Hindi madali ang pinagdaanan ng taong ito sa iskwelahan na iyon. Maaring makita niyo syang masayahin at walang problema na palakad-lakad sa pasilyo ng iskwelahan ngunit sa taong nakakaramdam at sintulad ang pinagdadaanan, alam kung anong kasinungalingan ang pinapakita ng matatamis na ngiti nito.

Naranasan na niyang mawalan ng tiwala sa mga tao sa paligid niyang malaman niyang ang mismong matalik nyang kaibigan ay pinagkanulo siya na halos napayukayok na lamang siya sa hiya. Ngunit hindi siya nagpadala rito. Tumayo siya sa sarili niyang paa, lumaban, at nilinis ang pangalan. Namili ng tamang kaibigan at nagtiwala sa iilan lamang. Dito pumapasok ang kasabihang "tell me who your friends are, and i'll tell you who you are."  Datapwat isa siyang kapatid ng Inglesia ni Kristo, hindi ito naging hadlang upang ituring siyang parang kapatid ko na rin bilang isang Katoliko. Sa dalawang taon na nakasama ko siya, sabay kaming nangarap at nagtapos ng pag-aaral sa parehong kurso. Nalungkot kami na baka yun na ang huli naming pagkikita noong kami'y grumaduate. Ngunit hindi doon nagtatapos ang istorya namin. Habang dumadaan ang panahon, dumadating kami sa punto na hinahanap-ahanp namin ang isa't-isa lalo na sa mga dumadating na problema ng mga buhay namin. At sa gabing ito,laking gulat ko na lng nang bigla magparamdam si Kitty sa'kin at nagbitaw ng makapagdamdaming salita..


  •     "tieng? namimiss na kita wala akong makausap namatino.."
  •     "tieng, thank you ha?yaan mo babawi ako hindi man sa material na bagay o kung anu pa man, basta andito lang ako lagi para sayo.. friend mo ko forever.."
  •     "alam mo ba ikaw lang yung friend ko na babae na tumagal na nakasundo ko more than friends pa, para na tayong magkapatid.. ung iba kasi tinatalo ako, naninira, plastik, ganun. pero ikaw, kahit minsan nagkaroon tayo ng tampuhan, dumaan lang at nagkaayos din."
  •     "ih tieng pinaiyak mo naman ako ng sobra dun.. diko tuloy alam sasabihin ko..ayoko man magpramis na di kita iiwan pero ang sakin lang wala akong makitang rason para iwan ka.. siguro kahit may apo ka na andito parin ako talaga para sayo.."

Ang tanging pangaral ko sa kanya at siyang isinaulo nya ay "hindi tatahol ang isang aso, kung kilala nya yung tao". :) Mahal na mahal ko ang taong ito hindi dahil lagi niya ko nililibre ng pagkaen, binibilan ng kung anu-anu, kundi dahil napatunayan ko na tapat siya, mapagkakatiwalaan, at alam kong hindi niya ko iiwan. :)




___________________________________
to be continued....zzzzzzzzzz

No comments:

Post a Comment