Friday, February 19, 2016

Tara!

TARA. Ang salitang sinyales na may lakad kayo. Ang daling sabihin ngunit mahirap gawin. Merong yaya ng yaya pero gusto lang magpa libre. Meron din yayayain ka, tas ikaw si magaayos at maghihintay, yun pala di ka na sisiputin. Meron din magbibigay ng kung anong oras kayo magkikita, ngunit pagdating ng oras hindi magpaparamdam sayo, matapos ang 2 oras dun ka palang kakausapin, maaaring sisiputin ka o drawing. Meron din aayain ka, pero may iba pa pala siyang lakad o may ibang kasama na hindi mo kilala. Meron din sasabihin sayo dadalawin ka o pupuntahan ka, lumipas ang ilang oras nagaalala ka na kasi walang balita sa dadalaw sayo, yun pala may iba ding pinuntahan. Meron din namang magkasama na kayo pero parang di mo din kasama dahil ang tanging kaharap at kausap lang niya yung cellphone niya.

Natamaan ka ba? Masakit? Dont hate. Ito ay pawang katotohanan lamang. Alam niyo sa sarili niyo yan.

No comments:

Post a Comment