i was having my nails done at the mall. Sat in the most comfortable way, earphones on & minding my own business.. Can't really hear what everyone else is talking about but there's this old lady (who i thought was also a customer) who was sitting near the front desk and was dictating numbers to two of the staffs.. by the looks of the old lady, i felt that something's not right. so i lowered the volume of my earphones and listened carefully.
OLD LADY : makikisuyo lamang po ako kung maaari niyo pong tawagan ung number na to, hindi po kasi ako makauwi hindi ko alam, nanakawan ako ng pang matrikula ng apo ko kanina sa bus pag baba ko sa metrotown.
BEKI : landline po ba ito? wala naman po kaming load pantawag jan, ang mahal mahal ng pantawag sa landline. Bigyan ka nalang namin ng pera pamasahe kesa pangload namin, edi nakauwi ka pa. (samantalang may landline dun sa salon!!!!!)
OLD LADY : hindi naman ho ako humihingi ng pera sa inyo, nagpapatulong lamang po ako makitawag para po alam doon sa amin.
BEKI : kayanga ho pamasahe na lang ibibigay namin sa inyo para makauwi na kayo.
OLD LADY : (hindi na maipinta ung mukha niya sa hiya at lungkot)
SALON STAFFS : (nagbigay ng barya barya.. may bente naman, pero the rest barya)
OLD LADY : maraming salamat po. ;(
buti na lang patapos na ako..hindi ko tinanggal ung tingin ko dun sa matanda, buti na lang din mabagal siya maglakad, ung pra bang hindi talaga niya alam ang gagawin niya. sa bwisit kung ano-ano pa pinagsasabi nung mga andun sa salon kesyo daw "bat kasi magisa siya lumalakad, katanda na niya, di na lang niya diretchuhin na kelangan niya ng pera kadami dami pang sinabi. nwawala daw siya, naglakad daw siya metro hanggang dito kalayo-layo! imbyerna.." ughhhh sobrang inis ko sa kanila pero di ko maiparamdam.. sinundan ko ngayon si Manang, tinanung ko saan siya uuwi, Cabanatuan daw at hindi niya alam papano umuwi or san sasakay.. i asked if she has enough money para makauwi.. pinakita niya ung binigay.. jusko pang student/senior di nga abot -____- tas siempre iba pa ung pantric o jeep pagdating nun. isshh. Hindi ko na tinanong bakit siya nasa Tarlac o anung business niya doon. basta sabi ko iuuwi ko na siya sa Cabanatuan. I can give her money for transpo pero ung kunsensya ko na papano kung lokohin na naman siya, di naman pulubi ung tao para itrato ng ganun (kahit naman pulubi di dapat tinatrato na parang walang lugar sa mundo), so instead, i went to Cabanatuan with her (without her knowing), sabi ko sasamahan ko lang siya hanggang umalis ung bus, nung paalis na, pumwesto ako sa likod at ibilin ko na sa kundoktor si Manang. pagdating sa Terminal, bumaba na lahat, nilapitan ko siya ulit nagulat siya andun ako (iba ung tuwa sa mukha niya from there daw alam na niya paano umuwi), sinamahn ko na siya magabang ng tric, tas binayaran ko na din ung tric niya.. sasamahan ko pa sana pauwi eh kayalang last trip na ng pa-Tarlac nun.
Lesson : according to God's commandment, we should love our neighbors as we love ourselves.. There's nothing wrong with helping others in need. Hindi man siya humingi ng tulong sakin pero alam ko sa sarili ko na kelangan niya. i was reminded of the verse..
Proverbs 19:17 ...Whoever is generous to the poor lends to the Lord, and he will repay him for his deed... sabi nga ni Lord "You shall open wide your hand to your brother, to the needy and to the poor, in your land." we are all brothers & sisters in the eyes of God, wag natin i-lable ung estado ng buhay ng tao lalo na sa pagtulong. We do not need known organizations or clubs para maipaabot ung tulong natin at hindi natin kelangan ipakita sa lahat kung anong ginagawa natin.Dapat isinasapuso natin ung mga ginagawa natin..