Tuesday, August 12, 2014

Something Unusual (1st time) : Never miss a chance to help

Date : September 6, 2013

papuntang San Miguel, may nakasakay ako sa jeep na 3 mahirap/nangangalakal, Isang Matandang babae, isang teenager na lalake at isang batang babae. At first i was disgusted because they smell really bad. Nang magbayad ang ale ng P7.00, ang sabi ng jeepney driver "kasama mo ba yung dalawang bata? kulang ng bayad niyo" at sagot ng ale "nangangalakal lng naman po kami, yan lang kaya namin" with sadness on her face. the teenager doesnt want to sit dahil nahihiya kaya tumayo na lang siya, pero sinigaw sigawan niya nung driver. Nanlambot yung puso ko dahil wala naman gingawa ung bata ehh, sumbit na nga lang. Kumuha ako ng pera sa bag ko at iniabot sa driver "kuya, bayad po nung bata para makaupo n at wag niyo na hiyain". and then everyone started staring its as if i did something wrong.The little girl was sitting beside me and i heard her talking to her lola "nagugutom na ako" then the ale said "hahanap pa tayo ng pagkukuhanan natin ng pambili." my eyes started to become teary, so i grabbed my wallet ang gave the ale P100 and told her "pasensiya na po yan lang kaya ko ngayon, kumain na po kayo pagkababa niyo." The ale looked at me with a smile on her face and said "maraming salamat anak, kaawaan ka ng Diyos". Hindi maipinta ang mukha nilang tatlo sa ligaya. Nagabot na din sa kanila ng pera ang mga kasakay namin sa jeep, at halos maluha na ang ale. Pagkababa nila sa hrp ng SM, ang sabi ng ale "maraming salamat sa mg tulong niyo, malking bagay ito samin. Gabayan sana kayo ng Diyos at patuloy na tumanggap ng biyaya."

no matter how unfortunate they are, they never lose hope & faith in our Lord.
I was then reminded of the verse "GOD LOVES A CHEERFUL GIVER" & "Honor the Lord with your wealth and with the first fruits of all your produce; then your barns will be filled with plenty,and your vats will be bursting with wine.".

Never miss a chance to give & be a blessing to other people in many ways. :">

Something Unusual (2nd time) : JEEP MOMENTS

Date : November 5, 2013

going home from San Miguel with my usual pay-fare-and-put-on-my-earphones peg, along SM tarlac, a woman made eye contact with me (fyi i dont know her). So i took off my earphones (thought that maybe she knows me & wanted to talk to me) and she smiled at me. And i said "Hello po," she replied with...

"i remember you. Nakasabay na kita magchurch hindi ko alam kelan na, and yung time na yon, you prayed for me. Hindi kita malilimutan dahil nung service na yon, i was feeling down and i really needed someone to talk to me and/or pray for me. Ehh wala kang kasama, so we prayed together. Ang galing ni Lord, i believe na ginamit ka Niya to send a message to me while we practically dont know each other. You prayed for my family & my work, everything you said is like, you've known me for a long time, its as if naikwento ko sayo buhay ko..nastruck ako at na-enlighten ako sa mga sinabi mo. God does work in mysterious ways, & at the right time. gusto ko lang magpasalamat sayo." and i was like.. ughhh. SPEECHLESS! So nasabi ko na lang, "ganyan talaga si Lord. Faith & trust lang kelangan." tapos bumababa na ko sa TSU..

that feeling of making or directing some stranger's life to the right path is very fulfilling and nakakataba ng puso. If only i could cry infront of her knowing that God is working through me and is affecting peoples lives in a good way. Honoring God and pleasing God has never been this awesome. I also believe that when we pray for something or someone, it is the Holy Spirit doing its job through us, its like speaking in tongues, that you wont even remember or have any idea what you've just said / prayed for. We are but instruments in the hands of God...all credit, all honor and all glory belongs to Him and Him alone.
PRAYER WORKS! IT REALLY DOES!

So likewise you, when you have done all those things which you are commanded, say, “We are unprofitable servants. We have done what was our duty to do.” (Luke 17:10)

HIGHLIGHT NG NOV.5 KO ITO!! nabuo araw ko dahil dito. How great is our God, right?

Sunday, June 29, 2014

Something Unsual (helped an old lady go home to Cabanatuan)

i was having my nails done at the mall. Sat in the most comfortable way, earphones on & minding my own business.. Can't really hear what everyone else is talking about but there's this old lady (who i thought was also a customer) who was sitting near the front desk and was dictating numbers to two of the staffs.. by the looks of the old lady, i felt that something's not right. so i lowered the volume of my earphones and listened carefully.
OLD LADY : makikisuyo lamang po ako kung maaari niyo pong tawagan ung number na to, hindi po kasi ako makauwi hindi ko alam, nanakawan ako ng pang matrikula ng apo ko kanina sa bus pag baba ko sa metrotown.
BEKI : landline po ba ito? wala naman po kaming load pantawag jan, ang mahal mahal ng pantawag sa landline. Bigyan ka nalang namin ng pera pamasahe kesa pangload namin, edi nakauwi ka pa. (samantalang may landline dun sa salon!!!!!)
OLD LADY : hindi naman ho ako humihingi ng pera sa inyo, nagpapatulong lamang po ako makitawag para po alam doon sa amin.
BEKI : kayanga ho pamasahe na lang ibibigay namin sa inyo para makauwi na kayo.
OLD LADY : (hindi na maipinta ung mukha niya sa hiya at lungkot)
SALON STAFFS : (nagbigay ng barya barya.. may bente naman, pero the rest barya) 
OLD LADY : maraming salamat po. ;(
buti na lang patapos na ako..hindi ko tinanggal ung tingin ko dun sa matanda, buti na lang din mabagal siya maglakad, ung pra bang hindi talaga niya alam ang gagawin niya. sa bwisit kung ano-ano pa pinagsasabi nung mga andun sa salon kesyo daw "bat kasi magisa siya lumalakad, katanda na niya, di na lang niya diretchuhin na kelangan niya ng pera kadami dami pang sinabi. nwawala daw siya, naglakad daw siya metro hanggang dito kalayo-layo! imbyerna.." ughhhh sobrang inis ko sa kanila pero di ko maiparamdam.. sinundan ko ngayon si Manang, tinanung ko saan siya uuwi, Cabanatuan daw at hindi niya alam papano umuwi or san sasakay.. i asked if she has enough money para makauwi.. pinakita niya ung binigay.. jusko pang student/senior di nga abot -____- tas siempre iba pa ung pantric o jeep pagdating nun. isshh. Hindi ko na tinanong bakit siya nasa Tarlac o anung business niya doon. basta sabi ko iuuwi ko na siya sa Cabanatuan. I can give her money for transpo pero ung kunsensya ko na papano kung lokohin na naman siya, di naman pulubi ung tao para itrato ng ganun (kahit naman pulubi di dapat tinatrato na parang walang lugar sa mundo), so instead, i went to Cabanatuan with her (without her knowing), sabi ko sasamahan ko lang siya hanggang umalis ung bus, nung paalis na, pumwesto ako sa likod at ibilin ko na sa kundoktor si Manang. pagdating sa Terminal, bumaba na lahat, nilapitan ko siya ulit nagulat siya andun ako (iba ung tuwa sa mukha niya from there daw alam na niya paano umuwi), sinamahn ko na siya magabang ng tric, tas binayaran ko na din ung tric niya.. sasamahan ko pa sana pauwi eh kayalang last trip na ng pa-Tarlac nun.
Lesson : according to God's commandment, we should love our neighbors as we love ourselves.. There's nothing wrong with helping others in need. Hindi man siya humingi ng tulong sakin pero alam ko sa sarili ko na kelangan niya. i was reminded of the verse..
Proverbs 19:17 ...Whoever is generous to the poor lends to the Lord, and he will repay him for his deed... sabi nga ni Lord "You shall open wide your hand to your brother, to the needy and to the poor, in your land." we are all brothers & sisters in the eyes of God, wag natin i-lable ung estado ng buhay ng tao lalo na sa pagtulong. We do not need known organizations or clubs para maipaabot ung tulong natin at hindi natin kelangan ipakita sa lahat kung anong ginagawa natin.Dapat isinasapuso natin ung mga ginagawa natin..