Wednesday, July 13, 2011

BUNSONG KAPATID

Ako'y may tatlong kapatid na babae, at nagkataon na ako'y mas malapit sa aking bunsong kapatid. Aaminin ko hindi ako yung tipong kapatid na maaruga, maalaga, at maaalahanin (on a daily basis). Ang sabi nga nila, sa aming apat na magkakapatid, natatanging ako lamang ang nakaka-kausap sa kanilang tatlo, na ako lang ang nakaka-kilala sa mga kapatid ko. Hindi ko itatanggi dahil pawang katotohanan naman yon.

Ang aming panganay, ay isang Doctor. Matalino, Masipag, Marunong humawak ng pera, Pamilyado at Maparaan sa Buhay. Nag pre-med sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at ipinagpatuloy ang Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Siya ay kukuha ng board exams sa dadating na Agosto ngayong taon.

Ang pangalawa naman ay isang Journalist. Nagtapos rin sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Journalism at nakapag-trabaho sa ABS-CBN bilang Segment Producer at Video Resercher.

Nung ako'y nagaaral pa sa High School, may mga panahon na nakausap ko ng masinsinan ang mga ate kong yan. Hindi man sabay, pero dahil doon, nakilala kong tunay ang aking  mga ate. Kahit na madalas nila akong pinapaglitan at inaaway, nauunawaan ko naman dahil ako lang ang nakababatang kapatid nila noon. At pawang mag bestfriends ang mga ate ko noon. Ngunit ngayon, iba na. Nagkaroon kami ng isa pang kapatid na sumunod sa akin.

Naramdaman kong maapi ng aking mga ate, at naramdaman ko din na mangapi ng mas nakakabata sakin. Matagal ko na rin naisip na, hindi ko dapat ipinaparamdam sa bunso kong kapatid ang mga marahas na karanasan ko sa mga ate ko noon dahil kung tutuusin, ako na lang ang maaasahan niya ngayon. Ako na lang yung ate na malalapitan nya agad, na walang takot. Kahit na madalas ko siyang inaaway, sinisigawan, pinapagalitan, hindi parin lumalayo ang loob nya sakin.

Ang bunso kong kapatid ay Fourth Year High School na sa College of the Holy Spirit. Madalas siyang pinatasan na wirdo sa iskwelahan dahil sa kanyang pananamit, mga kilos, pagsasalita, sa pagguhit at pagsusulat. Medyo childish parin sya hanggang ngayon, at tinatrato parin syang baby ng aming ina.Noon akala rin naman may problema siya sa utak, yon pala, siya ay may taglay na kaisipan na hindi lahat ng tao meron. Artista ang kapatid kong ito. Nakikita nya ang mga bagay bagay sa ibang perspective. Ako'y namamangha sa kanyang mga likha tulad ng pagsusulat ng mga storya tungkol sa patayan, buhay puso at pagkakaibigan. Sa kanyang pagguhit ng comics at ng mga hayop na mukhang pokemon. Matalino ang kapatid kong ito, hindi lang masyado pinatutunang pansin ang kanyang pagaaral dahil nga sa hilig nya sa sining. Umaawit rin pala siya, nung nasa ikalawang baitang pa lamang sya, ay nanalo na sya ng 1st place sa Singing Contest sa school, at magmula noon pinagpatuloy na nya nag pagawit, ngunit dumating ang panahon na nawala na ang hilig nya sa pagkanta. Sa ngayon, ang pagsusulat at pagguhitang kanyang pinagkakaabalahan.

Sisterly love at LU Live, World Trade Center
Kaninang hapon nang siya'y makauwi mula skwelahan, narinig ko na lamang na siya humahagulgol sa kuwarto. Nilapitan ko at tinanung kung anung nangyari. Yun pala, siya ay inaapi na naman sa skwelahan. To cut the story short, sa tagal ng panahon na siya'y nag-aaral, hindi parin maintindihan ng mga tao sa paligid nya kung anung klaseng pagiisip meron sya. Wirdo parin ang turing sa kanya. Aamini ko, nung ako'y nasa high school, dumating din ako sa punto na gusto ko na lumipat ng paaralan nang ako'y pagtulungan ng aking mga kamag-aral. Ang tanging nasabi ko na lang sa kapatid ko, 'wag na lang niya silang patulan lalo na kung wala naman siyang ginagawang masama/mali at kung siya naman yung tama. Isang taon na lang niya sila makakasama at matatapos na rin ito lahat. Sa ganitong panahon, dito nya makikita at malalaman kung sinu sinu talaga ang kanyang mga tunay na kaibigan na hindi siya iiwan sa ere. :)


Inaaway man kita at tinatawag na Arabo (hahahaha), tandaan mo Kang, MAHAL NA MAHAL KITA. Don't hesitate to seek help from me, because im always here for you, all the way :) wag mo din kakalimutan na may 3 kang ate, hindi lang ako, andito kami lahat para sa'yo. Ikaw ang bunso ng buong pamilya eh, magiiwanan pa ba tayo? :)

Tuesday, July 12, 2011

JEEP

ONLY IN THE PHILIPPINES :)

bakit kaya ganon? sa tuwing sasakay ako ng jeep, hindi ko matanggal na pansinin lahat ng sasakay, lahat ng nakasakay, yung bababa, papara, kumakain, nagdadaldalan, yung nauuntog pagsakay, etc.

Unang una kong pinapansin yung paa ng mga nakasakay, yun suot na sapatos, yung pedicure, yung features ng paa, saka ko titignan yung mukha o itchura nung tao. Dahil para sa akin, sa paa mo makikita kung anu ugali, anong estado nung tao at kung paano ito lumaki :))

May mga jeep na laging puno, at meron din naman halos walang nakasakay. Madalas ako makasakay sa puno. At ito rin ang madalas kong maranasan sa tuwing ako'y nagcocommute. Alam mo yung feeling, masikip na nga, okaya naman, may espasyo pa ngunit pang isa o dalwang tao na lng ang maaaring umupo. Tapos ung nakapwesto pa sa lugar na yon eh yung tipong, naka SIDE VIEW! yung parang ayaw magpaupo, ayaw may katabi. Tapos pag may bagong sakay, imbes na umayos ng upo, uusog lng ng konti tipong walang pakiramdam sa katabi na "hoyy ate nagbabayad din ako ng pamasahe kaya umayos ka!". Tapos makikita mo yung reaction sa mga mukha ng nakasakay na 1. nagagalit 2. naiinis 3.gustong pagsalitaan ung ale/mama 4.gustong pagsabihan na "umusog ka dahil nahihirapan ung katabi mo.. ehh sinu nga naman ba tayo?

sana naman kahit sa jeep man lang, may etiquette parin tayong mga PILIPINO. wag makasarili. sana marunong tayo umintindi sa kahit anu mang sitwasyon na papasukin natin. kaya hindi tayo umuunlad eh. MAGTULUNGAN NAMAN TAYO c:



--isa rin akong Commuter!:)